Bagong Pag-asa at Liwanag: TARELCO II, naghatid ng Kuryente sa Anim
na Sitio sa ilalim ng STEP ng NEA
Azenith C. Aquino | October 3, 2025
Bilang tugon sa mandato ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. na “Total Electrification
by 2028”, matagumpay na
napailawan ng Tarlac II Electric Cooperative, Inc. (TARELCO II) ang anim (6) na sitio
ngayong 2025 sa ilalim ng National
Electrification Administration (NEA) Strategized Total Electrification Program (STEP).
Tinatayang 84 ang inisyal na kabahayan na naging benepisyaryo ng programang ito ngayong
taon, matapos ang masusing
pagsusuri at beripikasyon ng NEA.
Nagdaos ang kooperatiba ng simpleng Ceremonial Energization noong
May 7,
2025 para sa sitio Bisaya at sitio Baguingan ng
Sitio Malasa, Anupul, Bamban, Tarlac – kung saan karamihan sa naninirahan dito ay mga
katutubong Aeta.
Para naman sa bayan ng La Paz, pinailawan noong April 26, 2025
ang sitio
mula barangay Sierra hanggang barangay Motrico
ng La Paz, Tarlac. Sumunod ang pagpapaabot ng serbisyong kuryente sa barangay Magao,
Concepcion, Tarlac noong July 12,
2025. Kasunod nito, sabay namang dumaloy ang kuryente sa Sitio Tumang, Corazon de Jesus,
Concepcion, Tarlac, at Purok 2
ng barangay Pantoc hanggang Manaol noong July 22, 2025.
Adhikain ng programa ng NEA na mabigyan ng kuryente ang lahat ng
kabahayan ng mga member-consumer-owners (MCOs) sa
bansa. Upang maisama ang mga malalayong sitio sa programang STEP, aktibong
nakikipag-ugnayan sa mga barangay at lokal na
pamahalaan ang TARELCO II para makumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento sa NEA.
Dumaan sa masinsinang inspeksyon ang mga sitio batay sa
pamantayan ng NEA
upang matiyak na kwalipikadong mapabilang ang
mga aplikante sa programa. Para naman sa karagdagang tulong, pinangunahan ng Board of
Directors ng kooperatiba ang
pakikipag-ugnayan sa NEA sa posibleng subsidiya na maaari matanggap ng mga benepisyaryo.
Bilang bahagi ng pangakong magbigay ng dekalidad na serbisyo,
personal na
bumisita ang mga kinatawan ng TARELCO II sa
mga komunidad upang magsagawa ng oryentasyon at gabayan ang mga aplikante sa maayos at
mabilis na pagproseso ng kanilang
aplikasyon sa kuryente. Tinutukan ng kooperatiba ang bawat yugto ng implementasyon, mula
sa inspeksyon, aplikasyon,
hanggang sa aktwal na energization bilang bahagi ng matagal na nitong tradisyon sa
pagpapatupad ng mga naunang programa
gaya ng Sitio Electrification Program (SEP) at Barangay Line Enhancement Program (BLEP).
Kamakailan, inanunsyo ng NEA na maglalaan ang national government
ng
halos ₱4 bilyong pondo para sa Sitio
Electrification Program sa taong 2026. Magsisimula ang prosesong ito sa Kongreso, kung
saan inilalagak ang pondo sa
national budget. Kapag naaprubahan, mapapabilang ito sa General Appropriations Act (GAA)
— ang batas na nagsisilbing
gabay sa gastusin ng pamahalaan bawat taon. Mula sa GAA, dumadaloy ang pondo patungo sa
NEA kung saan aayusin at ilalaan
ng ahensya ang pondo papunta sa iba’t ibang electric cooperatives (ECs) sa buong bansa.
Ang mga kooperatibang ito ang
tuwirang nagsasagawa ng proyekto dahil sila ang naglalagay ng mga poste, kable, at linya
ng kuryente. Kaugnay nito ang
maayos na liquidation sa inilaang pondo.
Ang matagumpay na pagpapatupad ng STEP ngayong 2025 ay patunay ng
matibay
na pagtutulungan ng TARELCO II, NEA, lokal na
pamahalaan, at mismong mga komunidad. Ito ay isang hakbang patungo sa mas maliwanag na
kinabukasan para sa lahat: isang
kinabukasang may kuryente, oportunidad, at pag-unlad para sa bawat Filipino.
Safety First for TARELCO II Employees
October 6, 2025
Recognizing the energy industry as a high-risk profession, TARELCO II actively equips
its workforce with adequate safety
knowledge through conducting a series of seminars on Basic Safety and Health Concepts
for new employees on September 12,
19, 26, and October 3, 2025.
This year, 63 employees engaged in an extensive in-house seminar
organized by the Institutional Services Department –
Human Resource Management Division. The Cooperative tasked Engr. Mark Anthony L.
Salamanca, TARELCO II Safety Engineer,
to facilitate the sessions – giving participants further understanding of Occupational
Safety and Health (OSH).
The seminar covered essential topics such as OSH concepts, hazard
identification, risk assessment, and emergency
preparedness. Engr. Salamanca highlighted the significance of OSH and explained its
focus on the environment, materials,
and equipment. The discussion also emphasized the importance of a good safety attitude
in preventing workplace incidents
since its main idea pointed out that 90% of safety relies on the worker.
Various key points included the different types of hazards,
safety control measures, office safety practices, and the
proper use of personal protective equipment (PPE). These aimed to help participants,
especially the field workers,
discern risks within the industry and ensure that they are well versed in performing
their duties safely.
Through this initiative, TARELCO II not only fulfills its legal
obligations but also demonstrates its commitment to
creating a culture of safety within the organization. It mainly prioritizes employee
safety that corresponds to the
nature of the industry. Recognizing that every workday carries potential hazard, the
cooperative goes beyond compliance
of the Republic Act 11058 (aka Occupational Safety and Health (OSH) Law) and the
Department of Labor and Employment
(DOLE)-mandated safety program.
The training aims to enhance efficiency, productivity, and
workplace harmony by reducing risks and empowering workers
with the right knowledge and tools. At the end of each session, participants were
expected to apply what they have
learned in their respective duties - creating a safer and healthier work environment for
themselves and their
colleagues. In addition, the training has always left with a central message “Why
safety?” - because every employee
deserves to clock out and return to their families safely.
Apat na BCA, nadagdag sa Bamban
ibang bagong BCA, kilalanin
October 6, 2025
Dahil sa lumalaking pagtangkilik ng mga member-consumer-owner (MCO) sa alternatibong
payment center ng TARELCO II na
Barangay Collection Agent (BCA), nadagdagan ng apat (4) na BCA ang bayan ng Bamban at
isa (1) naman sa bayan ng
Concepcion ngayong 2025.
Layunin ng pagtatalaga sa mga BCA ang maka-masang paraan ng
pagbabayad ng mga MCO kung saan sa mismo o kalapit-barangay
sila makakapagbayad ng buwanang singil sa kuryente. Sa halagang P15.00 na service fee,
mas makakatipid pa ang mga MCO
kumpara sa pamasaheng magagastos nila at makakaiwas sa mahabang pila kung magtutungo pa
sa opisina ng TARELCO II.
Nagsimula nang magserbisyo sa bayan ng Bamban si Amalia Diamsay
Aquino para sa Dapdap Resettlement Area (kabilang ang
mga sitio ng Mauricia, Malasa, Malani, Mabilog, Gayaman, Bisaya, Baguingan) simula Marso
12. Noong Marso 13 naman,
pormal na itinalagang BCA si Marriebeth Viscaino Victoria ng barangay Sto. Niño
(kabilang ang mga sitio ng San Martin,
Burog, KKK, at barangay Calumpang, Mabalacat, Pampanga).
Para naman sa mga nakatira sa barangay Lourdes (kabilang ang
sitio Gumain), maaari nang makapag-bayad ng electric bill
kay William Dela Cruz simula pa noong Hunyo 13. Inanunsyo naman sa mismong barangay
Lapaz noong Setyembre 4 na
awtorisado nang tumanggap ng bayad si Arian Joy Sibal. Malaking ambag ang naidudulot ng
pagkakaroon ng BCA lalo na sa
Bamban dahil malayo ang sub-office ng TARELCO II sa karamihan ng mga barangay.
Kabilang din sa pormal na ipinakilalang BCA sa mga MCO ngayong
taon si Angelica Rose Timbol ng San Nicolas Poblacion,
Concepcion noong Marso 5.
Bago maging opisyal na BCA, kinakailangang maipasa nito ang
mahahalagang dokumento at pamantayang itinakda ng
kooperatiba: (1) Dapat residente sa TARELCO II coverage area ang aplikante at active
status ang kuntador nito sa system;
(2) Responsable at may magandang record ng pagbabayad sa TARELCO II; (3) Maganda ang
reputasyon sa kanilang barangay;
(4) May tindahan o opisina na madaling puntahan ng mga nagbabayad; at (5) Walang anumang
katungkulan sa gobyerno habang
may bisa ang kontrata sa Kooperatiba. May kaukulang cash deposit at cash bond rin na
kailangang isumite bago maging
ganap na BCA.
Nagsasagawa ang TARELCO II ng pormal na pagpapakilala sa bawat
BCA matapos makumpleto ang lahat ng proseso at
kwalipikasyon. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpupulong sa mismong barangay kung
saan nakatira ang BCA at
ipinapaliwanag sa mga kabarangay ang paraan kung paano ang magiging systema ng
pagbabayad ng konsumo sa kuryente.
Layunin din nito na maipabatid sa komunidad ang kahalagahan at
benepisyong dulot ng pagkakaroon ng BCA sa kanilang
lugar, at upang mahikayat ang mga MCO na tangkilikin ang kanilang serbisyo.
Noong 2024, nakatulong ang mga Barangay Collection Agent (BCA) na
makalikom ng halos 27% ng kabuuang taunang koleksyon
ng TARELCO II. Patunay ito na epektibo ang programa sa pagtulong sa mga MCO na maayos na
matupad ang kanilang obligasyon
ayon sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers. Bukod dito, nakapag-ambag din
ito sa pagpapataas ng
Collection Efficiency ng kooperatiba upang maabot ang Key Performance Standards (KPS) ng
National Electrification
Administration (NEA).
Sa kasalukuyan, mayroong 75 BCA ang nagsisilbi at tumatanggap ng
bayad mula sa mga MCO sa kani-kanilang nasasakupan.
Puno ng Pag-asa: TARELCO II at NEA, nagtanim ng kinabukasan para
sa susunod na henerasyon
October 6, 2025
Cristo Rey, Capas, Tarlac - Isang makabuluhang hakbang para sa kalikasan at pamayanan
ang ginawa ng Tarlac II Electric
Cooperative, Inc. (TARELCO II) matapos lumahok nitong Agosto 15, 2025 sa “NEA-EC
Simultaneous Tree Planting at Line
Clearing Activity” na inorganisa ng National Electrification Administration (NEA) bilang
bahagi ng ika-56 na anibersaryo
nito at ng 16th National Electrification Awareness Month (NEAM).
Kasama ng mga opisyal at kawani ng TARELCO II, pinangunahan ni
Board President at Concepcion Director Engr. Antonio S.
David ang pagtatanim ng humigit kumulang limang daang (500) punla. Kaagapay nila ang
Community Environment and Natural
Resources Office (CENRO) ng Capas at ilang kasapi ng TARELCO II Press Corps, na
sabay-sabay nagkapit-bisig para sa
layuning protektahan ang kalikasan.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Officer-in-Charge Ronnie
Mangalindan ang kahalagahan ng mga simpleng hakbang para sa
kalikasan. Aniya, “Hindi tayo ang makikinabang kung hindi ang susunod na henerasyon.”
Isang paalala na simbolo ng
pangmatagalang pamana ang bawat punlang itinatanim.
Nagbigay rin ng inspirasyon si Deputy CENRO Forester Emmanuel
Razalan, na nasiyahan sa taunang pagtutok ng TARELCO II sa
gawaing pangkalikasan. Hinimok niya ang kooperatiba na gawing tradisyon ang pagtatanim
sa parehong lugar upang tuluyang
makita ang paglago ng mga punla taon-taon.
Binigyang-gabay naman ng Forester Rey Nuñez ang mga kalahok sa
tamang paraan ng pagtatanim. Sa kanyang demonstrasyon,
tiniyak na bawat punla— 250 guyabano, 200 kape, at 200 narra —ay maayos na mailalagay sa
lupa upang magkaroon ng matatag
na pundasyon para sa paglago.
Hindi lamang pagtatanim ang isinagawa kundi pati na rin ang
paglilinis ng linya ng kuryente, isang pagpapaalala na
magkaugnay ang kalinisan, kalikasan, at elektripikasyon. Tinatayang umabot sa anim (6)
na kilometro ng linya ng kuryente
ang nalinis ng mga linemen sa barangay Dolores, Talaga, at Estrada ng Capas, barangay
Dutung – A – Matas at Santiago ng
Concepcion, barangay San Roque, La Paz, at barangay Sto. Rosario (Y), Zaragoza.
Sa pagtatapos ng aktibidad, higit sa lahat ng bilang ng punlang
naitanim, nanatili ang mas malalim na mensahe: ang
pagkakaisa ng komunidad at institusyon sa iisang adhikain—ang mag-iwan ng luntiang
pamana at mas maliwanag na
kinabukasan.
TARELCO II, bumida sa NEA-PHILRECA Awards
October 6, 2025
Kinilala ang Tarlac II Electric Cooperative, Inc. (TARELCO II) sa entablado ng SMX
Convention Center, Bacolod City para
sa kanilang malasakit at dedikasyon sa Rural Electrification matapos tanghalin sa joint
awarding ceremony ng National
Electrification Administration (NEA) at Philippine Rural Electric Cooperatives
Association (PHILRECA) noong Agosto 9,
2025.
Taas noong tinanggap ng Board of Directors, Management, at Staff
ng kooperatiba ang samu’t saring parangal gaya ng mga
plaque, certificate of recognition, award trophy mula sa mismong NEA Board of
Administrators na sina Antonio Mariano C.
Almeda, Nollie B. Alamillo, Engr. Edgardo R. Piamonte, Engr. Jovel B. Ubay-ubay,
Deparment of Energy (DOE)
Undersecretary Mario C. Marasigan.
Hindi rin nagpahuli ang PHILRECA na katuwang sa gawad-parangal na
pinangunahan nina Cong. Presley C. De Jesus (PHILRECA
party-list representative), Atty. Janeene Depay-Colingan (PHILRECA Executive Director at
General Manager), Cong. Sergio
C. Dagooc (Association of Philippine Electric Cooperatives - APEC party-list
representative), at Jose Raul Saniel
(PHILRECA president).
Nasungkit ng TARELCO II ang mga sumusunod na prestihiyosong
parangal mula sa 2025 NEA Lumens Awards: Top Performing EC
Award, Outstanding EC Award, Compact of Cooperation Award, Single Digit Feeder Loss
Award, EC with High AGMA Attendance,
EC with Fully Liquidated Subsidy Fund. Dagdag pa rito, natanggap din ng kooperatiba ang
mga sumusunod na 2025 PHILRECA
Awards from the Wires - Prompt Payor Award, Strong Commitment to Brotherhood Award,
Silver Stellar Award, The Lumina
Apex Award, Bright Beginning Award, Model Member-EC Award, Occupational Safety and
Health Excellence Award.
Bilang pagpupugay sa kanyang tapat na paglilingkod at dedikasyon
bilang General Manager ng TARELCO II, pinarangalan din
ng NEA at PHILRECA ang namayapang si Engr. Jose F. Bognot, Jr. ng natatanging pagkilala
na “Posthumous Award” at “Legacy
of Service Award.” Tinanggap ng kanyang anak na si G. Jayvee Bognot, kasama ang buong
delegasyon ng TARELCO II, ang mga
parangal sa SMX Convention Center.
Bahagi ang nasabing araw ng parangal sa NEA-EC Convergence na isa
sa mga pinakamahalagang aktibidad ng NEA at PHILRECA.
Taun-taon itong ginaganap sa buwan ng Agosto bilang pagdiriwang din ng anibersaryo ng
NEA at National Electrification
Month.
Nakapaloob sa tatlong araw na pagtitipon ang pagbubuklod ng mga
mahahalagang personalidad sa industriya upang pag-usapan
at pagtibayin ang mga hakbang tungong “Total Electrification by 2028”. Inimbitahan
bilang panauhing pandangal sina DOE
Secretary Sharon Garin at Department of Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara.
Ipinunto nila na ang programa
ng DOE, NEA, mga electric cooperatives, at Non-government organizations (NGOs) sa
pagpapailaw ng “last mile schools” ay
hindi lamang proyektong nasasakupan ng Rural Electrification kundi isa ring pamana ng
pag-asa para sa kinabukasan ng
kabataan.
Nagbigay din ng mensahe ang Power Bloc na nirerepresenta ni Cong.
De Jesus at Cong. Dagooc sa mga kinatawan ng 121
electric cooperatives na dumalo sa ika-46 Annual General Membership Meeting (AGMM) ng
PHILRECA. Iginiit nila na
magsisilbing boses and Power Bloc bilang tinig ng mga electric cooperatives sa Kongreso
bilang pasasalamat sa malasakit
at pagsusumikap ng mga kawani na nagtataguyod sa kapakanan ng mga MCO.
Dinaluhan rin ang aktibidad ng iilang kilalang personalidad na
nagsilbing panauhing tagapag-salita patungkol na maaaring
ma-implementa ng mga nakilahok sa kanilang personal na buhay at trabaho. Nagsilbi ring
pagkakataon ang NEA-EC
Convergence para sa mga negosyo sa industriya na ipakilala at itampok ang kanilang
produkto sa Rural Electrification
(RE) EXPO na inorganisa ng NEA at PHILRECA.
TARELCO II joins the NEA-EC Nationwide Run for a cause
October 6, 2025
In line with the National Electrification Administration’s (NEA) celebration of its 56th
Founding Anniversary and
commencement of the 16th National Electrification Awareness Month (NEAM), more than 60
employees of Tarlac II Electric
Cooperative, Inc. (TARELCO II) joined the nationwide activity “Let’s Bolt In: NEA-EC Fun
Run for a Cause” on August 2,
2025.
Participants included all TARELCO II Board of Directors Engr.
Antonio S. David – President, Sonia B. Sangalang – Vice
President, Eliseo A. Rivera – Secretary, Joselito O. Sotto – Treasurer, Francisco L.
Gabriel, Jr. – P.R.O, and Officer –
In – Charge Ronnie B. Mangalindan.
For Region III electric cooperatives, the Central Luzon Electric
Cooperatives Association, Inc. (CLECA) organized the
simultaneous event at the Clark Parade Grounds, Pampanga with more than seven hundred
(700) employees from the fourteen
(14) electric cooperatives of the region.
To start the program, National Association of General Managers of
Electric Cooperatives (NAGMEC) Region III President
and Pampanga II Electric Cooperative, Inc. (PELCO II) General Manager Amador T.
Guevarra, alongside CLECA President
Reynaldo V. Villanueva, welcomed the delegates with expressions of gratitude for their
active participation. NEA
Administrator Antonio Mariano C. Almeda also thanked all participating electric
cooperatives through a live-telecast
message – marking the start of NEA’s activities a success.
To boost the energy of the attendees, the organizers conducted a
short warm up dance in preparation for the gun start.
The event was divided into (2) distance categories: a five (5) kilometer route and a
three (3) kilometer route that
treaded the CDC Parade Grounds.
After the race, finishers assembled for a cool down Zumba and
announcement of the winners. TARELCO II employee June H.
Gutierrez bagged 2nd place for the 3-km Male Category while Camille Elaine Y. Latosquin
secured 2nd place for the 5-km
Female Category. Winners earned medals, freebies, and cash as prizes. Meanwhile, all
finishers received a Finisher Medal
in recognition of their completion of the fun run.
According to reports from NEA, the fun run promoted a healthy
lifestyle to participants and raised funds directly
supporting Geographically Isolated and Deprive Areas also known as GIDA.
Tagumpay ng Sining: TARELCO II MCO, nagningning sa Digital Poster
Contest
Kimberly Aguilar | October 15, 2025
Sa gitna ng humigit-kumulang 100 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa, nasungkit
ng TARELCO II
member-consumer-owner ang isa sa mga major prizes ng pambansang patimpalak ng Philippine
Rural Electric Cooperatives
Association (PHILRECA) noong Agosto 9, 2025 sa SMX Convention Center, Bacolod City.
Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ni John Michael
Villapaña, MCO mula barangay Alfonso, Concepcion, Tarlac,
matapos maigawad sa kanya ang P5,000 cash prize at Certificate of Recognition para sa
2025 Disenyo ng Liwanag at Pag-asa
Digital Poster Making Competition ng PHILRECA bilang 3rd Place winner laban sa 121
electric cooperatives. Bahagi ang
patimpalak ng 46th Annual General Membership Meeting (AGMM) ng PHILRECA at Joint
Awarding Ceremony kasama ang National
Electrification Administration (NEA).
Gamit ang kanyang talento sa digital design, pinuri ang obra ni
Villapaña sa pagiging epektibo sa pagpapakita ng
transpormatibong kapangyarihan ng elektripikasyon sa kanayunan upang ipakita ang
mahalagang papel ng mga electric
cooperative sa pag-unlad ng bansa.
Taas-noong tinanggap nina TARELCO II Officer-in-Charge (OIC)
Ronnie B. Mangalindan, at Board of Directors (BOD) Engr.
Antonio S. David (Concepcion Director), Dir. Sonia B. Sangalang (Bamban Director), Dir.
Eliseo A. Rivera (Capas
Director), Dir. Joselito O. Sotto (La Paz Director), at Dir. Francisco L. Gabriel, Jr.
(Zaragoza Director) ang cash
prize, plaque at canvas ng disenyo ni Villapaña sa entablado ng SMX Convention Center.
Itinuturing ng buong pangasiwaan ng TARELCO II na malaking
karangalan ang pagkapanalo ni Villapaña – na tumatangkilik at
sumuporta sa programa ng kooperatiba na nagpapalakas sa ugnayan nito sa mga MCO.
Bukod sa national competition ng PHILRECA, nagkaroon ng
Cooperative-Level Digital Poster Making ang TARELCO II upang
mabigyan ng mas maraming tsansang manalo ang mga MCO. Pumili ng sampung (10) natatanging
disenyo ang kooperatiba mula sa
46 MCOs na sumali sa paligsahan. Sa awarding ceremony na ginanap sa TARELCO II Main
Office sa Concepcion, Tarlac,
personal na iginawad nina (OIC) Mangalindan at (BODs) ang mga sertipiko at cash prize sa
mga nanalo.
Bahagi ang kompetisyong ito sa taunang selebrasyon ng PHILRECA na
layuning iangat ang kamalayan ng publiko sa mga
adbokasiya ng mga electric cooperative sa bansa gamit ang makabagong sining bilang
mabisang plataporma. Sa pamamagitan
ng talento ni Villapaña, muling naipamalas ng TARELCO II ang dedikasyon nito sa
pagsuporta sa mga makabagong pamamaraan
ng pagbibigay-kaalaman at pagkilala sa kontribusyon ng mga miyembro nito.
Makabagong Bayani: Anim na linemen ng TARELCO II, rumesponde sa
Masbate
Kimberly Aguilar | October 17, 2025
Matapang at handang hinarap ng anim (6) na magigiting na TARELCO II linemen, suot ang
uniporme at tangan ang mabibigat
nilang kagamitan, ang hamon ng Task Force Kapatid (TFK): Typhoon Opong.
Ginanap ang send-off ceremony para sa Region III electric
cooperatives (ECs) noong Setyembre 30, 2025 sa PELCO III Main
Office, Apalit, Pampanga, para sa mga 84 na ipinadalang linemen mula sa TARELCO II at 13
electric cooperatives sa ilalim
ng Central Luzon Electric Cooperatives Association (CLECA) – na agarang tumugon sa
panawagan ng rehabilitasyon sa
probinsya ng Masbate.
Kasama sa mga nai-deploy ang TARELCO II linemen na sina Arnold
Manguerra, Aaron Balatbat, Marnel Punzalan, Christian John Masiclat, Rogel
Tiglao, at Rafael David na bumiyahe sa mismong araw na iyon patungong
probinsya ng
Masbate.
Sa hanay ng TARELCO II, dumalo sina Engr. Antonio S. David,
TARELCO II Board President, at Ronnie B. Mangalindan,
Officer-in-Charge, sa seremonya bilang suporta sa TFK at sa mga lineman ng TARELCO II na
maghahatid ng mabilis na tulong
teknikal sa mga lugar na napinsala ang kuryente bunsod ng kalamidad.
Sa kasagsagan ng programa, ipinahayag nina CLECA President
Reynaldo V. Villanueva at National Association of General
Managers Of Electric Cooperatives, Inc. (NAGMEC) Region III President Amador T. Guevarra
ang taos-pusong pasasalamat at
paghanga sa dedikasyon ng kanilang lineworkers. Anila, hindi biro ang trabahong
ginagampanan ng mga lineman, lalo na sa
mga panahong kailangan nilang iwan ang kanilang pamilya upang tumulong sa ibang rehiyon.
Tugon sa matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Opong sa Masbate
ang humigit-kumulang isang (1) buwang deployment ng TFK
sa apektadong lugar kung saan maraming linya at poste ng kuryente ang winasak ng bagyo
na nagdulot ng matagal na
pagkawala ng suplay ng kuryente.
Matatandaang nagpadala rin ng mga lineman ang TARELCO II para sa
TFK: Typhoon Emong na siyang nanalasa sa probinsya ng
Pangasinan nitong Agosto 2025. Inabot ng labing-siyam (19) na araw ang kanilang
deployment upang tulungang makabangon
ang mga naapektuhan ng bagyo.
Sa bawat deployment ng TARELCO II linemen, hinihikayat naman nito
ang mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na ipanalangin
ang kaligtasan, kalakasan, at tagumpay ng mga nakibahagi sa misyon – dahil sa
pamamagitan ng Task Force Kapatid, mas
abot-kamay ng mga komunidad ang mabilis na pagsasaayos at panunumbalik ng elektrisidad.
Muling pinatunayan ng mga lineman ng TARELCO II na ang diwa ng
bayanihan at serbisyo ay buhay na buhay at hindi alintana
ang panganib, basta’t makapagbigay ng liwanag sa mga nangangailangan sa panahong
sinusubok ang lakas at katatagan ng
ating mga pamayanan.